Sunday, October 24, 2010

Happiness = Boypren?

Masya daw magkaroon ng Boyfriend. Masarap gumising sa umaga na may text or tawag galing sa kanya, may maglalambing sayo pag badtrip ka, may taga dala ng gamit, sabi pa ng iba inspirasyon daw ito sa mga bagay na ginagawa mo. Pero kailangan ba talaga ng Boyfriend para ma-inspire ka? 

Hindi ba ang boyfriend ay sakit din ng ulo, yung iba nang-bababae, puro DOTA, minsan parang wala kang halaga.

Ano nga ba talaga ang mas maganda? Masaya na Single? o masakit sa ulo pero worth it naman na may ka-relasyon?

May mga taong naghihintay, nag-aabang lang sa taong dadating sa buhay nila, may mga taong takot mag-isa, mayroon din namang mga taong takot magmahal. At meron ding di pa nararanasang magmahal. Ano nga bang pagkaka-iba?

Para sa akin, wala namang pinagkaiba ang taong single sa mga taong nasa isang relationship. Dahil ang kaligayahan, nakasalalay sa pananaw ng tao sa buhay. Hindi naman natin kailangang mapunta sa isang reationship para lang makumpleto ang buhay natin, dahil ang buhay, kumpleto na talaga yan, ang boyfriend is a gift from God, na di natin alam kung kailan dadating. Si God lang nakakaalam kung kailan sya dadating sa buhay natin para mas pasayahin ito. 

Ang iba sa atin, pwedeng sabihin na nakita na nila ang gift ni God sa buhay nila, meron namang naghihintay lang, at ang iba nama'y miserable dahil akala natin nakita na natin "sya". Pero tulad ng mundo na patuloy na umiikot, we also need to move on. Kahit mahirap. Kung miserable ka man ngayon, in God's time, marrealize mo din kung bakit ka naging miserable, at magsisilbi ang xperience na yon para mas maging mature ang pananaw mo sa buhay. ^^

Kaya kung Single ka man ngayon, namnamin mo lang, enjoy-in ang pagtingin sa mga cute na boys sa mall, kiligin ka sa ga paborito mong artista, at dadating din ang time na makikilala mo ang taong pinagdadasal mo. :) At kung nasa isang relasyon ka man ngayon, magulo man o masaya, cherish every moment. at magpasalamat ka na dumating ang taong yan sa buhay mo. Kung icconsider mo namang "complicated" ang love life mo, fried, magpray ka lang. Kung nahihirapan ka, buksan mo mga mata mo, you might be missing out a lot of things in your life pero hindi naman huli ang lahat para ayusin yon di ba?

Basta, PUSH lang. Pray Until Something Happens. Nandyan lang si God, handang makinig. :)

(sorry kung may pagka-random yung blog ko na to, puyat e. ;P)


-- <3 Lelai.

No comments:

Post a Comment